Natagpuang wala ng buhay ang isang 21-taong-gulang na Criminology student sa kanilang tahanan sa San Roque, Ozamiz City, Misamis Occidental.
Napag-alamang mag-isa lamang ang dalaga na kinilalang si Princess Eliaca, sa kanilang bahay nang mangyari ang krimen, dahil ang kanyang mga magulang ay nasa trabaho.
Ayon sa ulat, pumasok ang suspek sa silid ng biktima, na ayon sa ulat ay hindi naka-lock.
Inamin umano ng suspek na siya ay lasing at dahil sa problema sa pera, ninakaw niya ang gadget ng biktima.
Nauwi ito sa komprontasyon na naging sanhi ng pagkamatay ng dalaga.
Agad namang naaresto ang suspek na kinilalang si Michaelna lumalabas na kapitbahay lamang ng biktima.
Narekober sa kanya ang dalawang cellphone at isang kwintas na pinaniniwalaang pag-aari ng biktima. // via Bombo Radyo Legazpi