Isinalaysay sa bombo radyo Dagupan ng isang criminology student ang pagsalo sa isang estudyanteng nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika limang palapag ng isang unibersidad sa barangay Tapuac dito sa lungsod ng Dagupan.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mart Esthepen Navarro, first year college student at kumukuha ng kursong criminology hindi umano niya kakilala ang biktima.
Kuwento nito, nasa paaralan sila Linggo nang mangyari ang insidente dahil may aktibidad silang mga Reserved Officers Training Corps (ROTC).
Gr. 12 student, tumalon sa 5th floor ng paaralan
Ayon kay Navarro, namataan daw niya ang biktima na nasa ika limang palapag ng gusali at naroon din ang ama nito na nagmamakaawa na huwag ituloy ang kanyang plano.
Kuwento niya, pagtalon ng biktima ay naisip niyang saluhin ito.
Nagtulong tulong ang mga kasama niyang estudyante upang ito ay tulongan at agad na dinala sa ospital.
Samantala, hindi itinuturing na bayani ang sarili ng nasabing estudyante.
Sinabi ni Navarro, na ang importante ay ibinigay ang kanyang sarili para mailigtas ang nasabing biktima.
Samantala, nabatid na nawalan din ng malay at bahagya ring nasaktan ang tuhod ni Navarro.
Nagkausap na si Navarro at pamilya ng biktima at labis silang nagpapapasalamat sa sa kanya sa pagligtas sa buhay ng kanilang anak.
Sa ngayon ay nasa maayos ng kalagayan ang biktima. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin malaman ang tunay na motibo ng tangkang pagkakamatay ng nasabing estudyante.
Matatandaan na noong Linggo Nobyembre 10, tumalon ang 17- anyos na Grade 12 mula sa 5th floor ng isang unibersidad dito sa lungsod