Malaki ang ibinaba ang mga naitalang mga crime incident sa rehiyon uno kung ikukumpara noong nagdaang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pltcol. Benigno Sumawang Chief, Regional Public Information Office-PRO1 sa kabuuang ay nakapgtala lamang ng 1247 crime incident at bumaba ito kumpara noong taong 2023.

Kaugnay nito ay nakapagsagawa din sila ng 1242 anti-illegal drug operations ang kapulisan sa lahat ng probinsiya sa rehiyon.

--Ads--

Bukod dito ay nakapagtala din sila ng higit 130,000 gramo ng confiscated na shabu, 51, 000 mahigit na marijuana at nakapagconduct din sila ng 70 operation sa kabuuan.

Aniya ay nasa higit isang bilyon ang drug price ng kabuuang nakumpiska para sa taong 2024.

Samantala, dahil nalalapit na ang election period aniya ay magkakaroon sila ng simultaneous checkpoint kung saan ito ay ipinapatupad nationwide.

Kaya’t mahalagang makipagtulungan sa pnp at iba pang law enforcement agency hinggil dito lalo na kung may naobserbahan o nakitang nagviolate sa mga ipinagbabawal.

Pagbabahagi pa niya na mas lalong magiging masigasig at intensified ang kanilang kampanya sa buong rehiyon upang mapanatili ang katahimikan at mas mapababa pa ang datos ng mga crime incident.