Pababa na ang trend ng covid cases sa region 1.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis ang Medical Officer 4 ng DOH Region 1, malaking tulong ang ginawa ng DOH at LGU na zoning strategy kung saan ni la-lock down ang isang sitio o barangay na may confirmed cases.

Dahil dito ay na contain at hindi na ito kumalat sa ibang bayan.

--Ads--
Dr. Rheuel Bobis ang Medical Officer 4 ng DOH Region 1

Isa pang tulong ang pagdami ng bakuna at pagtaas ng bilang ng mga nabakunahan.

Sa kasalukuyan, higit dalawang million na ang nabakunahan.

Sa tala ng DOH region 1, hanggang kahapon ay umabot na sa 91, 784 ang total cases ng covid 19 sa rehiyon.

Mahigit 93 percent naman na ang gumaling na nasa 86,674 habang 1,880 ang mga namatay dahil sa sakit.

Dr. Rheuel Bobis ang Medical Officer 4 ng DOH Region 1