Dalawang compound sa dalawang barangay sa bayan ng Asingan ang isasailalim sa granular lockdown dahil pa rin sa COVID-19.
Batay sa inilabas na Executive Order (E.O.) mula sa tanggapan ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr., napagdesisyunan na isailalim sa lockdown ang compound ng COVID-19 Patient No. 17 sa Zone I, Barangay Palaris at compound ng COVID-19 Patient No. 18 sa Zone III, Barangay Calepaan, upang maiwasan ang posibilidad ng pagkakaroon pa ng mga dagdag na mga kaso ng nasabing sakit.
Dahil dito, ang mga residente sa mga nasabing compound ay mahigpit na pinagbabawal ang lumabas at dapat ay sumailalim sa mandatory 14-day quarantine.
Para naman sa kanilang mga pangunahing pangangailangan, ang mga miyembo ng Emergency Response Team ng kanilang Barangay ang naatasan na magsagawa ng koordinasyon upang maihatid ang pangangailangan ng mga apektadong residente habang nasa lockdown procedures ang mga ito.
Inatasan na rin ang Contact Tracing Team at Disinfection Team ng bayan ng Asingan upang magsagawa ng maigting na Health Surveillance at mapigilan ang pagkalat ng COVID virus. // Bombo Lyme Perez