Nagdeklara ang Macau, China ng state of immediate prevention kasunod ng muling pagkakatala ng mataas na kaso ng covid 19.

Ayon kay Dan Sicado, Bombo International News Correspondent sa Macau, China, nagkaroon ng mga bagong kaso ng covid 19 matapos ang ilang buwan na walang naitala .

Dahil dito ay maraming nagsarang gusali gaya ng mga mga bangko, paaralan at dine in restaurants. Nadelay aniya o napostpone ang mga exams at maging ng graduation ceremoies.

--Ads--

Dagdag pa niya na apektado ang trabaho ngayon ng mga mamamayan doon kabilang ang ilang mga OFW.

Sa ngayon ay isinagawa ang libreng mass testing sa mga tao upang hindi na kumalat pa ang sakit.

Pinayuhan ang mga residente na manatili sa kanilang mga bahay at hinigpitan ang mga border.

Ikinagulat ng mga opisyal ang biglang pagbulosok pataas ng kaso ng COVDI-19 at inaaalam na kung saan ito nagmula.