Isang kakaibang kaso ng hiwalayan ang inihain sa family court sa Bhopal, India noong Setyembre 2025.

Isang bagong kasal ang nag-file ng divorce dahil sa hindi pagkakasundo ng kanilang mga alagang aso at pusa.

Ikinasal ang mag-asawa noong Disyembre 2024. Ang lalaki ay isang IT professional na naka-work from home, habang ang babae ay nagtatrabaho rin sa Bhopal at galing sa Uttar Pradesh.

--Ads--

Pareho silang animal lovers—may pet dog ang lalaki at may pet cat ang babae.

Noong nagsisimula pa lang ang relasyon, magkasundo pa ang kanilang pets. Pero nang magsama na sila sa iisang bahay, madalas na raw sugurin ng aso ang pusa, dahilan ng anxiety ng babae.

Tinawag pa niyang “unbearable” ang sitwasyon.

Ayon sa lalaki, may kasunduan silang huwag magsama ng pets sa bahay—na sinuway umano ng asawa.

Giit niya, agresibo rin ang pusa at inaabala ang kanyang aquarium at aso.

Sa kabila ng counseling at tulong ng pamilya, hindi nagkasundo ang mag-asawa.

Tumanggi silang mahiwalay sa kanilang mga alaga.

Ayon sa korte, ang kaso ay sumasalamin sa lumalalim na emosyonal na pagdepende ng tao sa mga hayop sa gitna ng social isolation.