DAGUPAN CITY – Iminungkahi ni Councilor Jeslito Seen ang pagtatayo ng sariling composting facility ng Barangay Bonuan Gueset upang mas mapabuti ang waste management at makalikha ng karagdagang kita para sa barangay.


Sa isang sesyon ng Sangguniang Panglungsod ng Dagupan, sinabi ni Councilor Seen na may kabuuang populasyon na 26,519 ang Barangay Bonuan Gueset at nakakalikom ng humigit-kumulang 5,246 kilo ng basura kada araw. Ayon sa kanya, 2,885 kilo rito ay biodegradable waste na maaaring iproseso bilang compost.


Dagdag pa ng konsehal, ang nasabing biodegradable waste ay maaaring makalikha ng tinatayang 11,542 sako na may tig-50 kilo bawat isa kada araw. Kapag naibenta, maaari itong magbigay ng humigit-kumulang P346,268 na karagdagang kita para sa barangay.

--Ads--


Binigyang-diin ni Councilor Seen na ang pagkakaroon ng sariling composting facility ay makatutulong hindi lamang sa maayos na pamamahala ng basura kundi pati na rin sa paglikha ng pondo na maaaring magamit sa iba pang proyekto ng barangay.