Naghatid ng kaalaman sa mga magsasaka ang Rice Production and Field Day at Farm Mechanization Techno-Demo sa Santo Tomas sa ilalim ng Corporate Farming Program ng Pamahalaan Panlalawigan.
Itinampok ang kaganapang ito bilang mahalagang hakbang sa pagbibigay-lakas at pagsasaayos ng produksyon sa agrikultura. Dinaluhan ito ng mga lokal na opisyal at 32 benepisyaryong magsasaka, kabilang ang Santo Tomas Corn Growers Livestock Raisers Federation.
Layunin ng aktibidad na ipakita ang mga makabagong teknolohiya at mekanisasyon sa pagsasaka, na nagbibigay sa mga magsasaka ng praktikal na karanasan at kaalaman.
Nagsilbi naman itong plataporma para sa palitan ng kaalaman mula sa mga eksperto.
Samantala, Sa pamamagitan ng inisyatibong ito na mabigyan ng access sa modernong teknolohiya ang mga magsasaka, binubuksan ng Pangasinan ang daan para sa mas maunlad at napapanatiling hinaharap ng agrikultura.