Dagupan City – Isinusulong ng mga kababaihang manggagawa mula sa iba’t ibang grupo kaugnay sa selebrasyon ng Women’s month ang Convention 190 ng International Labor Organization.

Ayon kay Atty. Sony Matula, Presidente ng Federation ng Free Workers ang mga kababaihan ang batas na ito ay isang ganap na international standards at kinilala na rin ng bansang Pilipinas noong oktubre taong 2023 sa ilalim ng Art 7. section 21.

Nauna nang sinabi nito na bago maging epektibo ang convention ay dapat may pagsang-ayon mula sa senado.
Binigayang linaw din ni Matula na ang convention 190 ay nanganagahulugan ng violence sa loob ng opisina at trabaho kasama na rito ang mga studyante, supervisor o kahit sinong trabahador.

--Ads--

Kaugnay nito, may batas na sa bansang may kaugnayan sa nasabing usapin gaya na lamang ng anti sexual harassment law, bawal bastos act na kakapasa lamang din noong nakaraang taon.

Samantala, base namans a datos, sinabi ni Matula na karamihan sa mga biktima ng harassment at dikriminasyon ay ang mga kababaihan at ang mga kasama sa LGBTQ++.