May mga nakalatag na contingency plans ang Local Disaster Risk Reduction Management Office o LDRRMO Lingayen sa mga disasters gaya na lamang ng bagyo, lindol at Kahit ang the big one na posibleng maranasan sa lugar.
Ayon kay Kimpee Jayson Cruz – Head, LDRRMO Lingayen na nakahanda at nakaantabay sila anumang oras, kung saan mahigpit nilang binabantayan ang manila trench at west valley fault dahil malakas ang magnitude na maaring iparamdam nito na posibleng mauwi sa pagkakaroon ng tsunami na may tinatayang 3 hanggang 4 na palapag o taas ng building ang alon nito.
Kaya naman nakahanda ang kanilang contingency plan para dito upang hindi mabigla ang publiko sa mga magiging sitwasyon.
Kaugnay nito ay mayroong mga tsunami sirene ang bayan sa maniboc area kaya naman kung mayroong makukuhang signal mula sa bolinao area ito ay mamomonitor ng kanilang opisina at mabibigyan ng signal ang sirene para tumunog na ibig sabihin ay babala para sa tsunami na posibleng maranasan.
Mayroon man silang evacuation center para sa bagyo, baha at sunog ngunit kapag lindol at tsunami anya ay kinakailangan na magpunta sa mataas na lugar gaya na lamang sa bayan ng bugallon at Aguilar.
Isinaad din nito na maaring mawash out ang bayan ng lingayen kung nagkaroon ng tsunami.
Kaya naman sa tulong ng iba’t ibang ahensya at mga platform ay ibinabahagi nila ang kanilang mga plano at programa para sa anumang sakuna. Gayundin ang regular nilang pagtutungo sa mga barangay ng bayan para sa information dissemination.