Dagupan City – Mga kabombo! Hangang saan nga ba ang kayang gawin ng isang tiktok trend?

Issue kasi ngayon sa Iceland ang pagkakaroon umano ng shortage sa pipino dahil lamang sa pakiki-uso ng mga nitizens!

Ayon sa ulat, matapos kasing maging viral ang videos ng Canadian content creator na si Logan Moffitt kung saan ay makikita itong gumagawa ng cucumber salad.

--Ads--

Pinaniniwalaan umano itong naging dahilan kung bakit nagkaroon ng shortage ng pipino o cucumber sa Iceland. Lumalabas din na napakarami kasing gumagaya sa mga recipes ni Logan.

Aniya, sinimulan niyang gumawa ng cucumber salad content nito lamang hulyo 2024.

Dahil dito, nang maging popular ito at sinundan pa niya iyon ng katulad na content na hanggang ngayon ay nakakakuha pa rin ng million views.

Sa kabilang dako, ayon sa ulat naman ng network news sa Estados Unidos, kinumpirma umano ng isang asosasyon ng mga farmers sa Iceland, na nagkaroon ng shortage ng cucumber sa bansa simula nang sumikat sa Tiktok ang mga salad videos ni Logan.

Paglalarawan pa ng mga ito, for the first time, hindi umano matugunan ng asosasyon ang mataas na demand ng cucumber.