Natapos na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga doktor at nurse ng Region1 Medical Center na nagpositibo sa covid19.

Ayon kay Region1 Medical Center Director Dr. Roland Mejia nasuri at naexamin na ang mga ito kung saan ang mga nagnegatibo ay balik trabaho na sa ngayon habang nakaconfine naman sa isolation rooms ang mga positibo sa covid19.

Kontrolado na rin ang sitwasyon at suspendido na ang elective operations ng hospital habang dinidisinfect ang surgical ward at ang mga taong na tinamaan ng covid19 ay nakaquarantine na.

--Ads--

Saad din ni Dr. Mejia na pwede nang bumalik ang normal ng operasyon ng hospital matapos ng isa hanggang dalawang linggo.

Ang mga pasyenteng nagpositibo sa covid19 ay maaaring nahawa sa ilang pasyente o sila mismo ang nakaakquire nito dahil hindi rin alam kung lumalabas ng pangasinan ang mga ito kayat nagkaroon ngayon ng order na bawal nang lumabas sa pangasinan ang mga ito.

Sa kasalukuyan ay may 61 covid19 patients na nananatili sa naturang hospital kung saan 46 dito ay confirmed cases habang ang nalalabi naman ay suspected cases na naghihintay ng kanilang resulta.

Lumagpas na rin sa 50 percent ang mga occupied na beds sa sumatotal na 120 beds na capasidad ng hospital na siyang ikinaalarma naman ng opisyal.

Samantala sinisiguro naman nito na patuloy parin ang serbisyo ng hospital sa mga tao ng covid19 at ang suspensyon ng ilang operasyon ay hindi naman emergency at ang hakbang ay preventive measure lamang.