DAGUPAN, CITY— Nagsasagawa na ng contract tracing sa lahat ng nakasalamuha ng dalawang panibagong nagpositibo sa coronavirus disease matapos lumabas ang resulta ng isinagawang targeted mass testing para sa mga frontliners sa bayan ng Sual kahapon.

Ang mga panibagong kaso ng COVID-19 ay napag-alamang asymptomatic o pawang walang nararamdamang sintomas ng naturang sakit base na rin sa isinagawang PCR confirmatory testing.

Ayon kay Sual Mayor Dong Calugay, ang mga naturang pasyente ay kabilang sa ng pinakahuling batch ng targeted mass testing ng mga frontliners ng nabanggit na bayan.

--Ads--

Aniya, ang naturang mga pasyente ay kasalukuyang nasa isolation facility .

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawa nila ng mass testing kung saan 300 na indibidwal na sumailalim sa PCR confirmatory testing at 1,197 na ang nasuri sa rapid slide kits.

Dagdag pa rito, pinapayuhan ng naturang alkalde ang kanyang nasasakupan na patuloy na sumunod sa minimum health standards upang makaiwas ang pagkalat ng naturang sakit.