DAGUPAN, CITY— Naka-isolate at binabantayan ang kalusugan ng 13 sa 14 na frontliners sa siyudad ng Dagupan na nagpositibo sa coronavirus disease sa Region 1 Medical Center.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Region 1 Medical Center Director Dr. Roland Mejia, na ang mga naturang pasyenteng pawang mga asymptomatic ay nasa maayos ang kalagayan sa kanilang pasilidad habang ang isa namang frontliner na tubong San Carlos City ay kasalukuyang naka-confine sa Pangasinan Provincial Hospital.

Ayon pa kay Dr. Mejia, sasailalim ang mga naturang pasyente sa protocol na 14-day quarantine at bibigyan ng mga gamot upang malabanan ang virus.

--Ads--

Kaugnay pa nito, na naisagawa na rin ang contact tracing at swab test ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa siyudad at hinihintay na lamang ang resulta ng mga ito.

Dagdag pa niya, kapag nasa hospital ang mga patiente ay maiiwasan ang problema sa mga komunidad dahil may mga pagkakataon umano kung saan nagkakaroon ng kaguluhan o pambabatikos sa mga positibo ng COVID-19 sa kanilang barangay na hindi naman nararapat dahil biktima rin ang mga ito at dapat na suportahan upang sila ay gumaling