Nahaharap ngayon ang isang 32-anyos na construction worker at residente ng Tayug sa kasong may kinalaman sa illegal na droga at baril matapos magsagawa ng dalawang search warrant ang Tayug Municipal Police Station laban sa kanya.
Ang mga search warrant ay may kaugnayan sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa operasyon, na isinagawa sa koordinasyon ng PDEA RO1, ay nakumpiska ang 29.4 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na 199,920 pesos, drug paraphernalia, isang Caliber .38 revolver na walang serial number, dalawang (2) live ammunition para sa Cal. .38, at iba pang ebidensya.
Kasalukuyang ng nakakulong ang suspek sa himpilan ng kapulisan upang harapin ang mga kasong ipinataw dito.










