Dagupan City – Arestado ang isang 40-anyos na construction worker matapos salakayin ng mga awtoridad ang kanyang bahay sa Tayug makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱105,400.

Sa operasyon na isinagawa sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1, narekober mula sa suspek ang humigit-kumulang 15.5 gramo ng hinihinalang shabu na nakapaloob sa anim na maliliit na pakete.

Nakumpiska din dito ang dalawang bala ng caliber .38 bilang non-drug evidence.

--Ads--

Alinsunod sa itinakda ng batas, agad na isinagawa ang marking at imbentaryo ng mga ebidensya sa lugar ng operasyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tayug Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.