Nasawi ang isang 39 anyos na construction worker matapos itong suntukin ng kanyang nakasagutan sa inuman sa Brgy. Calmay lungsod ng Dagupan.

Kinilala ang biktima na si Michael Torio, 39 anyos habang ang suspek ay kinilalang si Jevy Vinluan, 37 anyos, isang bangkero at pawang mga residente sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad ay lumalabas na nag inuman ang dalawa sa tahanan ng isang Ricardo Quilochon nang magkaroon ng mainit na sagutan na kinalaunan ay nauwi sa suntukan.

--Ads--

Nasuntok ng isang beses ng suspek si Torio sakanyang baba na naging dahilan upang tumama ang ulo ng biktima sa semento.

Dinala pa ito sa pinakamalapit na pagamutan partikular na sa may Ramirez Bautista Hospital sa bayan ng Binmaley subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Samantala ang suspek na nasa likod ng insidente ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Dagupan City Police Station.