DAGUPAN CITY– Patay sa hit and run ang isang construction worker sa national road sa barangay Bued sa bayan ng Binalonan Pangasinan.

ang biktima na si Raymund Sison na residente ng bayan ng Laoac.

Nabatid na galing sa trabaho sa Urdaneta City at pauwi na sana sakay ng bisiklita ang biktima nang mahagip ng sasakyan.

--Ads--

Matinding sugat sa ulo ang tinamo ng biktima na dahilan ng kanyang kamatayan.

Gabi umano nang mangyari ang insidente at madilim sa lugar kung saan nahagip ang biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.