Dead on Arrival sa pagamutan ang isang construction worker matapos itong maaksidente habang lulan ng kanyang motorsiklo sa Brgy. Cayambanan lungsod ng Urdaneta.
Kinilala ang biktima na si Marfe Tabili, 34 anyos at residente ng Zone 5, Brgy. Nnacalobasaan.
Sa inisyal na imbistigasyon , ang biktima ay lulan ng kanyang motorsiklo nang aksidente itong bumangga sa poste ng kuryente.
--Ads--
Agad na rumespondi ang Emergency Medical Services team at dinal aito sa pagamutan subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.
Samantala napag-alaman na ang biktima ay walang suot na protective helmet nang maganap ang aksidente.