DAGUPAN CITY– Pinaghahanap ngayon ang apat na nakatakas na mga suspek na nasa likod ng pamamaril sa isang construction worker na nagresulta naman sa pagkasawi ng isang bangkero matapos malunod sa Calmay River sa siyudad ng Dagupan.

Agad namang natukoy ang mga suspek na sina Dexter Narnola, isang barangay tanod ng Calmay ,Rodolfo Narnola, Louie Narnola at Charlie Bartazar , pawang mga residente ng Brgy. Calmay, Dagupan City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakasakay sa isang bangka ang biktimang 32 anyos na si John Denver Ravanzo kasama ang kanyang walong taong gulang na anak na babae habang minamaneho at pagmamay-ari naman ni Roger Ravanzo ang bangka na naglalayag sa Calmay river nang biglang bumangga ang sinasakyang bangka sa isang bangka lulan ang apat na natukoy na suspek.

--Ads--

Dahil sa takot, tumalon ang bangkero na kasama ng biktima sa ilog at doon na binaril ng isa sa mga suspect si Ravanzo sa kaliwang balikat at sa kaliwang parte ng ulo.

Habang ang bangkero na si Ravanzo ay pinaniniwalaang nalunod, habang ang anak ng biktima ay dinala ng suspek at iniwan sa gilid na bahagi ng ilog at tumakas patungo sa hindi natukoy na direksyon.

Narekober ang katawan ng dalawang biktima ng mga residente malapit sa lugar at agad isinugod ang mga ito sa R1MC ngunit idenklarang DOA ng kanilang attending physician.

Inaalam pa sa ngayon ang motibo ng mga suspek sa pamamaril.