Nahaharap sa kasong panggagahasa ang 46-anyos na lalaking construction worker matapos umanong pagsamantalahan ang sariling anak mula sa barangay Anolid, bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, nahuli ang tinuturing na suspek sa bayan ng Sison sa bisa ng warrant of arrest.
Batay sa imbestigasyon ng pulisiya, ginahasa umano nito ang kaniyang 18-anyos na anak sa loob mismo ng kanilang tahanan.
--Ads--
Mariin namang itinanggi ng suspek ang paratang laban sa kaniya at iginiit na hinding-hindi raw niya magagagawang pagsamantalahan ang sariling anak.
a ngayon, nakapiit na ito sa kulungan.




