Dagupan City – Kahit na naglabas ng ruling hinggil sa presidential immunity ni dating US President Donald Trump ay hindi pa rin ito nangangahulugang immune na rin ito sa impeachment.
Ito ang pagpapaliwanag ni Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutionalist and Street Lawyer hinggil sa umano’y presidential immunity ni Trump.
Aniya, kung ang mga nakabinbin na kaso ni Trump ay kaso na niya bago pa man ito nasa pwesto ay may kakayahan pa rin ang mga residente sa Estados Unidos na i-impeach dito, dahil wala pa namang nagaganap na rebisa sa batas sa nasabing bansa.
Inihalintulad niya naman ito sa nangyaring kaso laban kay dating Philippine President Joseph ‘Erap’ Estrada na na-prosecute na lamang noong lumabas na ito sa pamahalaan at napalaya naman noong pinatawad ng sumunod na pangulo.
Kaugnay nito, kahit pa aniya manalo si Trump ngayong nalalapit na US Election, maaari pa rin itong ma-impeach sa kaniyang mga kakaharaping kaso.
Samantala, sa kasalukuyan ay tinawag pa umano ito ng dating pangulo ang desisyon na isang panalo sa konstitusyon at demokrasya, kung saan maging ang legal team nito ay tinawag ang desisyon na ito bilang “major victory” dahil anumang pakikipag-ugnayan sa pangulo at Vice President maging sa Department of Justice ikinokonsiderang opisyal.