DAGUPAN CITY – “Kung sa legislative inquiry ay hindi maunawaan kung anong koneksiyon ng totoong relasyon ng dalawang alkade sa pagtatanong sa senado subalit kapag sa criminal investigation ay may relevance ito.”

Yan ang ibinahagi ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst kaugnay sa naging pagdinig sa senado patungkol sa relasyon sa pagitan ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at Sual, Pangasinan Mayor Liseldo “Dong” Calugay.

Aniya na ang mga nauungkat na impormasyon ay maaaring gamiting ebidensiya at ang conspiracy relationship sa dalawang alkalde ay maaaring maging susi upang malaman kung sino ang mga magkaka-ugnay o magkakakuntsaba.

--Ads--

Kaya’t dapat ay malinaw kung ano ang legislative ouput ng mga isinasagawang pagdinig upang malaman ng publiko kung ano nga ba ang dapat asahan pagkatapos ng ganitong mga imbestigasyon.

Kaugnay nito ay mariin din niyang ibinahagi na kung legislative investigation lamang ang gagawin ay walang mangyayari hangga’t hindi nakakapagfile ng kaso.

Subalit pakatandaan din aniya na hindi sigurado kung pwedeng gawing ebidensiya sa korte ang ginagawa ng mga mambabatas na pagtatanong at pag-uungkat ng ebidensiya dahil mayroon silang tuntunin na kailangang sundan at hindi otomatikong iaadapt ng piskal bilang ebidensiya ang mga ito kapag naifile na ang kaso sa korte.

Dagdag pa niya na kung maipapaliwang ng mga mabababatas ang legislative objective nila patungkol sa mga isinasagawang pagdinig ay maaari itong ituloy subalit kung hindi naman nila magagawa mas maganda na iturn over na lamang ang alam ng impormasyon sa Piskal o PNP para ang tamang ahensiya na ang magtuloy nito at criminal investigation na ang mangyari.