Dagupan City – Tiniyak ng Samahang Consignation Operator and Ice Dealer sa lungsod ng Dagupan na walang nakakapasok na Tangok o Deadfish na Bangus sa Magsaysay Fish Port.

Ayon kay Danila Cayabyab, presidente ng nasabing samahan, istrikto ang isinasagawa nilang monitoring matapos makahuli ng isang truck nito sa may bahagi ng Tanap Bridge sa Brgy. Bonuan Gueset na naglalaman ng 800 kilo.

Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng syudad, Market Division, City Agriculture, Bantay Ilog, City Health Office, Public Order and Safety Office, at ang Special Weapons And Tactics (SWAT) Team, nagsasagawa sila ng Auxiliary Invoice sa mga truck na magbabagsakan upang makita kung maayos na maibenta ang mga Bangus, at Cross Checking.

--Ads--

Nagpaalala naman ito sa mga Bangus industry sa lungsod na maging responsableng negosyante at isipin ang kapakanan ng mga konsumers.