DAGUPAN CITY- Pinabulaanan ng isang medical officer ang pangambang makakahawa ang isang may sakit sa mga makakasama nito sa isang swimming pool tuwing tag init.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis, ang Medical Officer IV, Center for Health And Development Department of Health Region 1, chlorinated ang mga ito kung saan namamatay ang maraming bacteria at viruses, ngunit kung hindi aniya ‘well-maintained’ ay maaarin pa rin makakuha ng iba’t ibang sakit tulad ng Conjunctivitis, o iba’t ibang food and water bourne diseases.

Sinabi pa niya na medyo tumataas ang kaso ng conjuctivitis tuwing mainit ang panahon base sa mga nakalipas na datos.

--Ads--

Tumataas kase ang polusyon tuwing tag-init na nag uudlot sa mga tao na hawakan pa ang kanilang mata dahil sa pangangati.

At dahil dito ay nakakapasok ang bakteria at virus sa loob ng nasabing parte.

Kaya pagpapaalala ni Bobis na ugaliing maghugas ng kamay upang malinis ito sa tuwing hahawakan ang mata.

Samantala, pinabulaanan naman niya ang mga haka-hakang paniniwala sa paggamot nito dahil maaari lamang magdala ng karagdagang impeksyon.

Ang tanging gamot lamang ay ang mga inererekomenda ng mga doktor tulad ng eye drop at anti-bacterial/viral solutions.

Dagdag pa niya, nakakahawa lamang ang sore eyes tuwing may direct contact sa tao kaya mahalaga aniya ang pag huhugas ng kamay.