Kinumpirma ni Provincial Health officer Dr. Anna Marie de Guzman na may kabuuan nang 923 na confirmed covid case sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa nasabing bilang , 730 ang mula sa lalawigan habang 193 ay mula sa ibat ibang lugar sa lungsod ng Dagupan.
Samantala umaabot sa 356 ang aktibong kaso, 535 na ang gumaling at 32 naman ang nasawi.
--Ads--
Sinabi ni de Guzman na may nadagdag na 20 kaso kahapon.
Karamahan sa mga nagpositibo ay mga APOR at close contact ng mga nakaraang nagpositibo at mga frontline worker.
12 ang asymptomatics at kasalukuyan nang nasa isolated facilities.




