DAGUPAN CITY– Inaantay na ngayon ang isinagawang confirmatory tests ng Department of Agriculture (DA) sa isang baranggay sa Plaridel, Bulacan dahil sa posibleng kaso ng African Swine Fever (ASF).

Ito ay matapos iulat ng isang hog raiser sa Brgy. Sipat ang pagkamatay ng kanyang alagang mga baboy.

Napag-alaman na kumuha na ng blood samples ng mga baboy kahapon para sa agarang pagsusuri.

--Ads--

Sakaling magpositibo sa ASF, papatayin ang lahat ng baboy sa loob ng 1-kilometer radius.

Ngunit posible umanong magkaroon ng delay sa paglabas ng resulta dahil sa volume ng samples na sinusuri. Lahat kasi ng babuyan sa Bulacan kahit ASF-Free ay pinagsusumite ng blood samples para mabigyan ng permit sa pagbenta at pagpapadala ng mga baboy.

Labing-pitong lugar na sa Luzon ang nagpositibo sa ASF at umabot na sa higit 20,000 baboy ang napatay ayon sa DA.