Nakatakdang dinggin sa ikalawang pag-basa ng konseho ng lungsod ng Dagupan sa Agosto 28 sa City Museum ang panukalang batas hinggil sa community based na pagbibigay pansin at importansiya sa mental health, partikular na ngayong panahon ng pandemyang COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Coun. Joey Tamayo, kanilang inaanyayahang dumalo sa nabanggit na pagdinig ang mga ulo ng tahanan, Barangay Health Workers (BHWs) at maging ng mga kasapi ng Sangguniang Kabataan (SK).

Layunin ng nasambit na panukalang batas na mawaksi ang pagdami ng suicide incidents sa siyudad sa pamamagitan ng paghahanap ng mga indibidwal na ‘prone’ sa higit na kalungkutan o depresyon.

--Ads--

Siniguro ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan na sa ilalim ng panukalang batas hinggil sa community based mental health program na may kaukulang penalty at kaparusahan sa batas ang sino mang mangusap sa anumang bagay na kompidensiyal tungkol sa anumang mental health cases na maidudulog sa kanilang tanggapan.

Ito ay upang hindi mabahala ang sinuman na magnanais dumulog sa kanila.

Dagupan City Councilor Atty. Joey Tamayo

Katuwang sa ordinansang ito ang Dagupan City Health Office (CHO) sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga psychologist na kanilang magiging kaakibat; kasama ring palalakasin ang mga paaralan, at mga barangay.

Dagupan City Councilor Atty. Joey Tamayo

Saklaw nito ang pagsasailalim sa mga pagsasanay o trainings ang mga ulo ng tahanan sa kung paano maging support system sa mga kabataan o matatanda na nakararanas ng higit na kalungkutan o depresyon.