DAGUPAN, CITY— Ikinagalak ng Committee on Health ng lalawigan ng Pangasinan ang pahayag mula kay Cabinet Secretary Karlo Nograles na kabilang ang probinsya sa mga nakapagtala ng mababang kaso ng COVID-19 lalo na sa mga malalaking lalawigan sa bansa.

Ayon kay 4th District Board Member at chairman ng naturang komite na si Agerico “Ming” Rosario na mas magsusumikap pa ang provincial government na gumawa ng mga habang upang mas mapaigting na makontrol ang pagdami ng bilang ng mga madadapuan ng nabanggit na sakit.

Inspirado din umano sila mula sa papuri ng isang mataas na opisyal sa nation government kung kaya’t mas kanila pa umanong paghuhusayan ang kanilang gagawin para sa mga mamamayan sa lalawigan.

--Ads--

Aniya, bagaman tumaas ang bilang ng kaso ng naturang sakit noong nakaraang buwan dahil sa magkakasunod na mga holidays, kanyang sinabi na sa ngayon ay unti-unti naman na umanong humuhupa ang pagtaas ng active case sa probinsya.

Tinig ni 4th District Board Member at chairman ng Committee on Health ng Pangasinan Agerico “Ming” Rosario

Ngunit sa kabila umano nito, ay hindi dapat magpaka-kampante ang publiko, at patuloy pa ring sumunod sa mga ipinapatupad ng provincial at local government na mga health protocols upang makaiwas sa nabanggit na karamdaman.

Dagdag pa ni Rosario, kanila na ring iminungkahi ang pagtigil muna ng mga operasyon ng online sabong sa lalawigan dahil na maari itong maging sanhi ng pagkahawa ng maraming indibidwal, base na rin umano sa ilang ulat.