DAGUPAN CITY- Puspusan na ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) San Jacinto para sa nalalapit na campaign period ng Local Candidates para sa halalan.

Ayon kay Maja Chakri Indom, Election Officer ng Comelec San Jacinto, sa oras na ang campaign period para sa lokal candidates ay magsisimula na rin ang kanilang pagbabantay sa mga lalabag sa mga alituntunin ng komisyon para sa mga aspirantee.

Kasama sa kanilang isasagawa ay ang Operation Baklas at ilang mga mahigpit na pagbabantay.

--Ads--

Aniya, layunin ng kanilang opisina na masigurong sumusunod ang mga kandidato sa mga palatuntunan.

Samantala, hinihikayat naman ng nasabing opisina ang mga residente ng kanilang bayan na makiisa sa mga hakbangin.