DAGUPAN CITY- Patuloy ang pagsasagawa ng operasyon laban sa mga ilegal na campaign materials sa buong lalawigan ng Pangasinan, kahit pa umanong nagkukulang ng manpower ang opisina ng Commission on Elections sa lalawigan.
Ayon kay Atty. Ericson Oganiza,Election officer sa Comelec Pangasinan, ang kanilang operasyon ay patuloy magiging agresibo at layuning tiyakin na ang mga aspirante ay sumusunod sa mga itinalagang lugar at tamang sukat para sa kanilang mga posters.
Aniya, hindi nila papayagan na magdulot pa ito ng kalat at hindi organisado ang mga hindi awtorisadong mga materyales.
Nagbigay din ng paalala sa mga kandidato at mga partidong politikal na maglagay lamang ng mga kampanya sa mga itinakdang lugar tulad ng mga designated common poster areas.
Samantala, hinihikayat naman ang mga residente ng Pangasinan na makiisa sa mga hakbangin ng Comelec at i-report ang anumang ilegal na mga campaign posters na makikita sa kanilang komunidad.