DAGUPAN CITY- Tuloy-tuloy ang ginagawang aktibidad ng Commission on Elections (COMELEC) Alcala upang masiguro ang malinis at maayos na halalan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Roberto Pagdanganan, Election Officer III ng COMELEC Alcala, bago pa naman dumating ang ballot templates ay siniguro nang ahensiya na nasa maayos na kalagayan ang lahat.
Aniya, wala namang naituring na nuisance candidate sa bayan.
Dagdag niya, may mga nasayang man na papel o ilang mga balota ay itinabi muna upang mapakinabangan at gawing bagong balota.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang operasyon at ilang mga aktidad sa bayan ng Alcala para sa Halalan 2025.
Sinisiguro naman ng ahensiya na tuloy-tuloy ang kanilang gagawing serbisyo upang mapanatili ang maayos at malinis na halalan.