DAGUPAN CITY- Maigting na isinasaagawa at patuloy ang pagbabanatay ang Commission on Elections Alcala sa kanilang pagbabaklas ng ilang mga campaign materials, alinsunod sa mandato ng COMELEC.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Pagdanganan, Election Officer III ng Comelec Alcala, maraming mga nabaklas na campaign materials ang nasabing opisina lalo na sa pampublikong lugar at mga ipinagbabawal na lugar.
Aniya, sinunod ng opisina ang alituntunin ng Commission on Elections ukol sa nasabing mandato tulad ng mga bawal gawin at mga dapat na sundin.
Kasama rin sa mandato ang pagtanggal ng campaign materials bago ang kampanya para sa local elections.
Dagdag niya, may iba’t-ibang estratehiya ang mga kadidato sa paglalagay ng kanilang mga poster tulad ng mga greetings sa mga espesyal na okasyon sa bansa at ilan pang mga paalala sa daan.
Samantala, paaalala naman ng opisyal na ilagay sa tama ang mga materials nang sa gayon ay hindi na kailangang tanggalin o baklasin at hindi maka-abala sa ilang mga gawain sa pang araw-araw na pamumuhay.