DAGUPAN CITY- Inaasahan pa din ng Commission on Election- Lingayen Office ang pagdagsa ng mga magpaparehistro sa huling araw.

Ayon kay Reina Corazon Ferrer, Comelec Officer, umabot lamang sa 30 ang nagparehistro sa kanilang opisina, kahapon, Setyembre 28 kumpara sa dami ng nagparehistro noong biyernes, Setyembre 27.

Gayunpaman, inaasahan na nila ang pagdagsa sa huling araw ng registration sa lunes dahil ito ang nakasanayan ng mga Pilipino.

--Ads--

Aniya, sa huling araw ay magpapatupad sila ng cut off sa oras ng Alas 5 ng hapon.

Sinabi ni Ferrer na batay sa kanilang datos simula noong Pebrero ay umabot na sa 4,800 ang bilang ng kanilang registered voters.

Hindi rin naman aniya sila nagkaproblema sa mga nagpaparehistro dahil nasabihan naman sila ng mga kinakailangang dokumento.

Samantala, nakahanda na rin ang kanilang opisina para sa filing of certificate of candidacy sa Oktubre 1-8.

Nagpaalala naman si Ferrer na maaari lamang magdala ng 3 kasamahan ang magpapasa ng kandidatura.

Kinakailangan din dalhin ng mga aspirants ang kanilang certificate of candidacy at certification of nomination and acceptance kung kasama sila sa isang partido.

Siguraduhin lamang na nasa tamang form ang mga nabanggit at naka-print sa long coupon bond. Hind rin dapat mawala ang documentary stamp at kanilang passport size na picture.

Kailangandin na notarized ito at may pirma ng notary public.