Dagupan City – Kampante ang Commision on Election o Comelec Umingan na responsable ang mga tatakbong kandidato sa kanilang nasasakupan sa nalalapit na eleksyon.

Ayon kay Jinky Tabag ang Election Officer ng nasabing opisina na hindi magkakaparehas ang mga eleksyon sa bansa kaya maaga pa na sabihin na walang kakaharapin na problema sa nalalapit na eleksyon ngunit naniniwala ito na magiging maayos at mapayapa ang magiging eleksyon sa kanilang bayan.

Aniya na dahil sa tulong ng mga law enforcment agencies gaya ng kapulisan at militar ay magiging matiwasay ang usad ng halalan sa nasabing lugar.

--Ads--

Saad nito mag-uumpisa na sa February 11 ang campaign period para sa National habang sa local ay sa March 28.
Ibig sabihin nito ay magsisimula na din ang kanilang implementasyon ng mga probisyon sa Fair Election Act para sa rules and regulation para sa election campaign.

Samantala, nasa kabuuang 27 mga aspirant candidates ang tatakbo sa halalan ngayong taon kung saan tatlo dito ay para sa pagka-alkalda, tatlo naman para sa pagkabise-alkalde at 21 para sa pagka-konsehal.