DAGUPAN CITY- Nakahanda na ang bayan ng Tayug para sa ilang mga gawain upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan para sa gaganaping halalan ngayong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Estrella Cave, Election Officer ng COMELEC Tayug, Disyembre pa lamang noong nakaraang taon ay nag-umpisa ang nasabing opisina na paghandaan ang nasabing halalan.

Aniya, nagkaroon ng rin ng pagpupulong ang kanilang opisina katuwang ang hanay ng kapulisan para sa isasagawang checkpoint na kanilang bayan.

--Ads--

Dagdag niya, kasabay ng checkpoint ay magsasagawa na rin ng pag-iikot ang hanay kapulisan.

Sa kasalukuyan ay walang naitatalang problema ang opisina ukol sa election related incidents, maliban na lamang sa mga nagkalat na tarpaulin.

Samantala, pinag-iigting rin ng opisina ang kaligtasan, seguridad at kapayapaan sa nasabing bayan upang masiguro ang maayos na 2025 elections.