Nakapagtala ng kabuuang nasa 20 mga aspirants ang Comelec Sta. Barbara na nakapagfile ng kanilang Certificate of Candidacy para sa midterm election sa 2025.
Ayon kay Maria Lorna C. Lopo ang Election Officer IV sa nasabing opisina na naging maayos at mapayapa naman ang naging daloy ng kanilang isinagawang filing.
Kanina umano ay nakapagfile na ang isang grupo na kinabibilangan ng incumbent Mayor na Team Zaplan at Navarro habang noong linggo ay nagfile naman ang Team Delos Santos-Barbiran kaya umabot na sila sa 20 aspirante ngunit baka may humabol pa sa filing.
Ang team Zaplan- Navarro ay kinabibilangan ni Incumbent Mayor Carlito S. Zaplan para sa pagka-alkalde muli, Rogelio “Roger” Q. Navarro para naman sa pagkabise-alkalde habang sina Bernardine A. Barbiran, Marking G. Cruz, Norman Q. Dalope, Ramil R. Delos Santos, Fatima D. Ico, Sherwin N. Pioquinto, Phyll Anthony V. Zaplan, at Carlito D. Zaplan Jr. ay line up nito para sa pagka-konsehal.
Habang sa Team Delos Santos-Barbiran ay sina Ex-Mayor Joel Fernandez Delos Santos para sa pagka-alkalde, Incumbent Councilor Bobby Barbiran para bise alkalde at para naman sa pagka-konsehal ay sina ex-Councilor Emmanuel Cabangon, Leet Barangay Capt. Freddie Sotto, Tuliao Kagawad Erickson Delos Santos, Butao Kagawad John Bruan, Dr. Emmanuel Dion,Nimrod Iglesias, Jeffrey Daduya at Anthony Quinto.
Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo kay Incumbent Mayor Carlito Zaplan na masaya umano ang kanyang naging pakiramdam dahil sa pagfile pa lamang nito ay marami nang sumuporta dito.
Aniya na kaya ito tumakbo muli sa pagka-alkalde ay upang magpatuloy ang kanyang mga nagsimulang proyekto at ito umano ang magiging pangalawang termino nito sa posisyon kung siya ay papalarin.