DAGUPAN CITY- ‎Habang papalapit ang eleksyon, tuloy-tuloy ang mga paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) sa bayan ng San Jacinto upang matiyak ang isang maayos at ligtas na halalan.

Kabilang sa mga hakbang na isinasagawa ay ang pagsasanay, distribusyon ng election materials, at pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga botante.

Nakatakda sa Mayo 6, 2025 ang final testing at sealing ng mga Automated Counting Machines (ACM) sa San Jacinto.

--Ads--

Ayon kay Maja Chakri Indon, Election Officer ng naturang bayan, layunin ng testing na masiguro ang kahandaan ng mga makina at ang kaalaman ng mga electoral board sa kanilang gagampanang tungkulin.

‎Natanggap na ng COMELEC San Jacinto ang lahat ng 38 ballot boxes dalawang linggo na ang nakararaan. Inaasahan din na sa linggong ito o sa susunod ay makukumpleto na ang delivery ng 38 Automated Counting Machines na gagamitin sa iba’t ibang voting centers sa bayan.