DAGUPAN CITY- Patuloy ang pakikipagkoordinasyon ng Commission on Election (COMELEC) Alcala sa mga partido’t nangangandidato at maging sa mga kapulisan upang matiyak ang maayos at mapayapang pagsisimula ng Local Election Campaign ngayon araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Roberto Pagdanganan, Election Offficer III ng Comelec Alcala, nagkaroon na ng briefing ang mga kandidato bago ang pagsapit ng pangangampanya kung saan binigyan linaw sa kanila ang tamang lugar na pagpapaskilan ng kanilang mga election campaign materials. Gayundin sa tamang sukat at format ng kanilang materyales.

Aniya, hinimok rin ang mga mga kandidato na baklasin ang kanilang mga posters na nakadikit sa poste at puno sa loob ng 72 oras.

--Ads--

Kanila na rin nasimulan ito dahil maaari silang ma-disqualify kung hindi nila magawang sumunod.

Makikipagtulungan naman ang kanilang ahensya sa Department of Public Works and Highwats (DPWH) upang baklasin ang mga naturang poster.

Maliban pa riyan, nagbigay na rin ng notice of public rally ang ilan sa mga kandidato kung saan ipinagbigay nila ang mga detalye sa kanilang isasagawang campaign rally.

Kaugnay nito, sa loob ng 7 araw ay kailangan ibigay ng mga kandidato ang kabuoang gastos na kanilang nagamit sa pangagampanya.

Samantala, nagpaalala si Pagdanganan sa kanilang kababayan hinggil sa pag-iwas sa vote buying at vote selling.

Aniya, kanilang tinututukan ito upang matiyak ang patas at maayos na pangangampanya at maiwasan ang anumang ilegalidad.

Dagdag pa niya, wala pa silang naitatalang report kaugnay sa nasabing issue.