DAGUPAN CITY- Naitala ng Commission on Elections (COMELEC) Region 1 ang kabuuang labindalawang (12) election protest mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa rehiyon matapos ang katatapos na lokal at pambansang halalan noong Mayo 12.

Ayon kay Atty. Reddy Balarbar, ang Acting Regional Election Director ng COMELEC Region 1, ang mga reklamong ito ay pormal na isinumite ng mga kandidatong humihiling ng judicial recount ng mga boto. Ang mga report ay mula sa iba’t ibang tanggapan ng COMELEC sa rehiyon

Dito sa lalawigan ng Pangasinan ay mayroong anim na bayan at lahat ay nagmula sa ika-anim na distrito, Sa bayan ng Rosales, Tayug, Natividad, San Nicolas at dalawang election protest mula sa bayan ng San Quintin habang nakatanggap din ng isang election protest mula sa bayan ng Sual.

--Ads--

Sa Ilocos Sur ay dalawang election protest na mula sa bayan ng Santiago at Banayoyo.

Habang sa Ilocos Norte naman nakatanggap ng daalwang election protest mula sa bayan ng pagudpud at isa naman sa Laoag City na inihain sa Commission on election at ang labing isa.

Mula sa labingdalawang protesta, labing-isa (11) ay inihain sa Regional Trial Court (RTC) at isa lamang ang dinala sa COMELEC.