COMELEC Pangasinan

Dagupan City – Pinaghahandaan na rin ng Commission on Election o Comelec Region 1 ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa December 1, 2025.

Ayon sa kay Atty. Reddy Balarbar ang siyang acting regional election director ng Comelec region 1 na nakikipag-ugnayan na rin sila sa Central office ng Comelec para sa mga proseso at mga paghahanda kauganay dito. Kung saan kamakailan lamang din ay kinumpirma na ng COMELEC na magsisimula na at magbubukas ang voter registration para sa BSKE mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 11, habang itinakda naman ang pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 7.

Habang sa November 20-29 namana ang Campaign period ng mga opisyal na kandidato at December 1, 2025 ang araw ng eleksyon para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

--Ads--

Aniya na tuloy tuloy ang kanilang preparasyon at pakikipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa bawat Comelec offices ng rehiyon upang matiyak na muling magiging maayos ang naturang halalan.