Dagupan City – Inihayag ng Commission on Election Region 1 na iniimbestigahan na ang umanoy natatanggap na report ukol sa vote buying sa rehiyon.
Ayon kay Atty. Reddy Balarbar, acting regional election director ng Comelec region 1 sinabi nito na umabot na sa tatlo ang natanggap na report ng kanilang opisina.
Kung saan, dalawa sa mga ito ay pinagsusumite nila ng complaint affidavit at mga ebidensya ngunit hindi pa nagpasa ang mga ito, habang ang isa naman na nahainan na mula mismo sa lalawigan ng Pangasinan ay nagsumite na ng complaint affidavit at evidences. Dagdag pa nito na sa ngayon ay wala pa naman silang naitala na report ukol sa election related incident sa rehiyon.
Gayundin ang paglilinaw ng COMELEC Pangasinan na hindi pa matatawag na kaso ang report na kanilang natanggap na umano’y vote buying at masusing pinag-aaralan pa nila ito.
Bukod pa dito kasalukuyan na rin isinasagawa ang pagkakabit ng transmission modem gadget sa mga magsisilbing canvassing center sa rehiyon uno.