Dagupan City – Nakapagtala ang Commission on Election Pangasinan ng isang inisyuhan ng show cause order.
Sa naging pahayag ni Atty. Ericson B. Oganiza – Provincial Election Supervisor, COMELEC Pangasinan, ini-issue ang show cause order sa isang aspiring candidate sa 2nd district ng lalawigan.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Oganiza na hindi basta-basta ang pag-iissue dahil ini-establish pa nila ito bago ihain. Gaya na lamang ng pagberipika ng mga voters list na pinagbibigyan rin ng “vote buying”.
Dito na niya ipinaliwanag na may mga naka-assign na law enforcement para sa surveillance. Kung kaya’t hindi nangangahulugan aniya na kapag nakatanggap sila ng report, ay tututukan na nila at babantayan ang isang kandidato bagkus ay kinakailangan muna ng verification.
Dahil aniya, mahalaga ang verification bago puntahan ang mga isinusumbong o natatanggap na report sa ganitong pangyayari partikular na ang usapin sa vote buying at vote selling.
Binigyang diin naman nito na kapag magrereklamo, kailangang panindigan ito para sa maituloy ang inihain laban sa kandidato.