BOMBO DAGUPAN -Umabot na sa 64,000 ang mga bagong registered voters dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Atty. Marino Salas, Provincial election sa lalawigan ng Pangasinan sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, inaasahang madadagdagan pa ang bilang nito sa mga susunod pang mga araw.

Noong nakaraang taon ay umabot sa 2,156,0000 ang naitalang botante.

Ngayong taon ay target nilang maabot ang 2.2 million kung saan positibo naman si Atty Salas na ito ay makakamit.

--Ads--

Kasabay ng pagkakatala ng mga mga bagong aplikante ay marami rin umano ang tanggalin na mga voters na pumanaw na o lumipat ng ibang lugar.

Sa kasalukuyan ay tuloy tuloy ang register anywhere program na isinasagawa sa bayan ng lingayen. Hinimok niya ang mga botante na magparehistro na at huwag nang hintayin ang deadline.

Samantalahin din umano ang registration na isinasagawa sa mga barangay.

Nagpapasalamat naman siya sa mga bgartangay officials at mga pamunuan ng mga pinupuntahan nilang barangay at eskuwqelahan dahil sa suporta nila para matiyak ang kaligtasan ng mga nagtutungo na magparehistro lalo na ang mga vulnerable sectors.