Isinagawa ngayong araw ng Commission on Elections (Comelec) Pangasinan ang Nationwide kick-off ng Roadshow sa bagong Automated Counting Machine na gagamitin sa May 12, 2025 National and Local Election.
Ginanap ito sa COMELEC Provincial Office na pinangunahan nina Provincial Election Supervisor Atty. Ericson B. Oganiza at Dagupan City Election Supervisor Atty. Michael Franks T. Sarmiento.
Dinaluhan ito ng mga media outlet sa lalawigan upang masaksihan kung paano gamitin at malaman ang mga features kung paano gumagana.
Nagkaroon ng demo sa nga features na ibinahagi ni Atty. Sarmiento mula sa kaibahan sa dating PCOS Machine, nilalaman ng balota, Battery, SD cards kung saan nakalagay ang mga files at function sa paggamit nito na upang makita ang kaibahan nito sa naunang mga Automated Machine noong mga nakaraang eleksyon.
Kasabay nito ay ang pagsisimula din ng ilang bayan o lungsod sa lalawigan ng Roadshow para maipaalam na ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagboto gamit ang Automated Counting Machine.
Ayon kay Atty. Ericson B. Oganiza ang Provincial Election Supervisor ng COMELEC Pangasinan na ang kakaiba ngayon sa nakalipas na eleksyon ay may pinapakita at at masusubukan pa ang machine na kasama nila sahil noon ay nagsasagawa lamang sila ng voters education drive kung saan puro video at pictures ang pinapakita.
Aniya na may maraming enhancement sa mga features ang machine na ipinakita kung saan nakakatiyak sila na convenient at mabilis ang proseso.
Dagdag nito na layunin nila na mafamiliarize ng nga susubok nito sa roadshow upang di masayang ang kanilang boto.
Nasa 60 araw ang nakalaan para aa roadshow na inumpisahan na ngayon sa buong lalawigan ngunit nakadepende ito sa nga bayan o lungsod kung tatapusin nila ito ngunit kung maaga matapos at napuntahan na ang mga barangay sa kanilang lugar ay maaring ipagamit sa mga bayan o lungsod na malalaki ang sakop para mapuntahan ito.
Samantala, ayon kay Atty. Michael Franks T. Sarmiento ang Election Supervisor ng COMELEC Dagupan City na layunin nito na maipakita sa publiko kung paano magbilang ang machine at paano gamitin.
Aniya na nais nilang mapuntahan lahat ng barangay sa kanilang nasasakupan kasama na ang mga medya, PPCRV, DEPED, PNP at 1st time voters gaya ng mga senior high school.
Paalala naman nito sa mga residente ng Dagupan na antabayanan ang magiging schedule nila sa pagpunta sa bawat barangay para aa Roadshow sa nasabing machine.