Handang handa na ang  Commission on Election o comelec Pangasinan sa 2019 midterm election.

Ito ang sinabi ni Provincial election supervisor atty. Ericson Oganiza sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan.

Sa ngayon ang hinihinatay na lang ng  kanilang tanggapan ay mga official ballot na gagamitin

--Ads--

Samantala, dumating na rin umano sa lalawigan ang mga vote counting machines  o VCM at mga ballot boxes. Ito aniya ay mahigpit na binabantayan ng PNP  at walang puwedeng makalapit dito.

Sinabi ni Oganiza na kahit sila mismong taga comelec ay  pinagbawalang makalapit o makapasok sa hub na kinalalagyan ng mga ito.

Samantala, handang handa na rin ang mga guro na magsisilbing Board of election inspectors o BEIs sa darating  na halalan.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsasailalim sa mga guro sa refreshing training para magampanan nilang maayos ang kanilang trabaho sa araw ng halalan.