Nakapagtala ng iba’t ibang problema ang Commission on Elections o COMELEC matapos ang isinagawang final testing and sealing sa mga Vote Counting Machine dito sa lungsod ng Dagupan.

Kabilang sa mga nakitang aberya ay ang hindi paggana ng mismong makina, pag-reject sa mga balota, hindi pagtanggap ng pin code at paper jams o pagkaipit ng balota.

Ayon naman sa Comelec, maituturing lamang na ‘minor problems’ ang naiulat na mga problema.

--Ads--

Sa katunayan pa umano, ayon sa naturang tanggapan, mayroon silang mga Technical Support Staff na maaaring mag assist sa mga Electoral Board sakaling makaranas muli ng aberya , kung kaya’t walang dapat aniyang ipangamba ang publiko dito.

Nagpapasalamat naman ang mga BEI sa maagang pagkakatuklas sa mga problema sa VCM dahil nabigyan pa umano sila ng panahon na mapag-aralan ito upang maiwasan ang aberya sa mismong araw ng halalan.