Naglabas na ng show cause order ang Commission on Elections (Comelec) laban kay Sen. Francis “Chiz” Escudero upang pagpaliwanagin ito hinggil sa natanggap na P30 million campaign donation mula sa isang contractor para sa kaniyang 2022 senatorial bid.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naipadala na ito sa senador kahapon, Oktubre 3.
Nakatakda naman ang pagdinig ni Escudero sa October 13, 2025.
Nauna na rito, naglabas na rin ang ahensya ng show cause order laban kay Centerways Construction and Development Inc. president Lawrence Lubiano upang pagpaliwanagin naman ito sa kaniyang pagbibigay ng donasyon kay Escudero.
Kailangan din nito depensahan ang sarili upang hindi mapatawan ng paglaban sa Section 95 ng Omnibus Election Code.
Inabisuhan din si Lubiano na humarap sa Political Finance and Affairs Department (PFAD).