DAGUPAN CITY – Tiniyak ng Comelec Mangaldan ang kahandaan sa pagsisimula ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga tatakbong kandidato sa kanilang bayan.
Ayon kay Gloria Cadiente, Election Officer IV, kasama nilang nakaantabay ang mga miyembro ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Mangaldan upang bantayan ang proseso ng COC filing ng mga tatakbo sa May 2025 midterm elections.
Kasabay nito ay nagkaroon din ng libreng voter’s education ang PPCRV kasama ang COMELEC gayundin ang pagbabantay sa mga voting precincts sa araw ng halalan.
Bukod dito ay seguridad din ng mga aspiring public servant ang binabantayan ng mangaldan pnp kaya naman nag-deploy si Chief of Police Pltcol. Roldan E. Cabatan ng kapulisan sa kanilang nasasakupan.
Bumisita rin Si Mayor Bona Fe de Vera- Parayno bilang pagpapakita ng suporta gayundin upang masaksihan ang unang araw ng COC filing.
Laking pasasalamt naman ni Cadiente sa General Services Office (GSO) sa pagsama sakanilang opisina sa pagsasagawa ng mga kakailanganin ng ilang mga kagamitan para masiguro na maayos ang paghahain ng kandidatura sa nasabing bayan.